Martes, Marso 15, 2016

Reyna ng Makata



GUSTO KO’Y IKAW
ni Shiela B. Magbuhos

Kagigising ko lamang nang bumungad sa akin si Mama.
            “Oh, anak bakit hindi ka pa naghahanda?”
“Nakalimutan mo na ba na ngayon ang alis natin papuntang Baguio?”
“Ano ka ba anak, minsan lang mangyari itong reunion bakit hindi ka pa sasama? Tiyak naroon ang mga pinsan mong galing sa abroad”.
Biglang dating naman ni Andrea mula sa kabilang kwarto.
“Oh Andrea, good morning! Napaaga yata ang gising mo ah?”
 “Medyo hindi kasi ako makatulog eh” sagot naman niya.
“Ma, dito na lang ako sa bahay at para na rin may mag-aasikaso kay Tita, ‘di ba Tita Ninang?”singit ko sa usapan ng dalawa. 
“Oh siya sige, alam ko namang safe ka diyan sa Tita mo.” Oh may mga pagkain dyan sa refrigerator na pang-isang lingo. Initin mo na lang ‘yong ulam na niluto ko kanina at nang makapag-almusal na kayo ng Tita Ninang mo” pahabol pa ni Mama.
“Thanks, Ma”! sabay halik ko kay Mama  kasabay naman ng pagtawag ng Papa na naghahanda ng sasakyan.
“Bye, Papa ingat kayo” nakangiting paalala ko sa kanila.
Ilang sandali pa. Ang tagal kong hinintay ang ganoong pagkakataon. Ginawa naming masaya ang bawat sandali na walang iniisip na kahit anong problema na maaaring mangyari.
“Ang tagal kong hinintay muli ang pagkakataong ito Andrea, na makasama ka”.
“Ako rin Migs”, sabay yakap sa isa’t isa at siniil ko ng halik ang manipis at mapulang hugis-pusong labi ni Andrea. Animoy kuryenteng bumalot sa buo kong katawan ang kanyang mga haplos at halik na nagdala sa amin sa langit ng kaligayahan. Ang mga sandaling iyon ang nagbibigay sa akin ng walang kapantay na ligaya. Masaya ang mga araw na kasama ko siya. Para bang ayaw ko nang matapos ang bawat araw na dumadaan. Siya ang pinakamamahal kong babae na kahit magkalayo ang agwat ng edad namin ay balewala iyon sa akin. Ang mahalaga mahal ko siya at ganoon din siya sa akin.
Makalipas ang isang lingo dumating na sina Mama at Papa. Balik na ulit kami sa dating gawi na pagkukunwari at kasinungalingan. Hindi ko siya tunay na kamag-anak pero kaibigan siya ni Mama kaya tita ang tawag ko sa kanya. Hindi kami nahahalata nina Mama sa pagkamalapit namin sa isa’t isa.
“Ewan ko ba, bakit siya pa ang nakabihag ng puso ko?” Hindi kasi natin masasabi kung sino at kailan darating ang magpapatibok ng ating puso. Sa pagkakataong ito dumating na iyong sa’kin sa maling pagkakataon nga lang.
Hindi halata sa kanyang hitsura na kasing edad na siya ng Mama ko. Mas mataas ako sa kanya nang ilang dangkal, mala-Dingdong Dantes at Marian Rivera. Napakaganda nya sa kahit anumang anggulo, mayroon siyang mga matang mapang-akit at ilong na di katangusan, manila-nilaw ang kanyang buhok na hanggang bewang, mayroon siyang makinis na kutis at mala-coke na katawan.
Tuwing umaga at gabi lang kami nagpapangita ni Andrea dahil nagtatrabaho ako sa opisina samantalang si Andrea ay abala sa pagpapagawa ng kanyang bahay. Mabuti’t nakahanap agad ako ng trabaho pagkagraduate ko ng college sa kursong Accountancy.
Madalas ay tinatanong ako ng aking mga kaopisina kung bakit wala pa raw akong nobya, ang hindi nila alam si Andrea ang aking nobya  tatlong taon na rin. Ngiti lamang ang aking nagiging tugon ko sa kanila.
 “Bakit hindi mo ligawan si Brenda, matagal ka na no’ng gusto. Panay nga ang tanong ng tungkol sa iyo. At lagi ko rin siyang nahuhuling nakatingin sayo. Kulang na lang ay malaglag ang panty sa paghanga sa’yo eh”, sunud-sunod na wika ng kaibigan ko.
Hindi ko masabi sa aking kaibigan ang katotohanan tungkol sa buhay pag-ibig ko dahil alam kong komplikado – kaibigan siya ng nanay ko, nagtrabaho siya sa Japan in other words Japayuki  at isa pa labintatlong taon ang tanda niya sa akin. Ano na lang ang magiging tingin nila sa akin. Hindi naman sa hindi ko tunay na mahal si Andrea kaya lang di pa siguro ito ang tamang panahon para malaman ng lahat ang tungkol sa aming relasyon. Kaya’t sinakyan ko ang mga pang-uukit nila sa akin kay Brenda at hindi nga nagtagal ay naging kami para lang masabi na may girlfriend ako sa kanilang paningin. Lumalabas kami kung minsan at nanonood ng sine hanggang sa napadalas nang napadalas.
Nakarating ang lahat iyon kay Andrea at ako’y kayang kinompronta.
“Sino ‘yung kasama mong babae kanina?” mababa ang boses ni Andrea. 
“Ah, iyon si Brenda katrabaho ko. Nagkataon lamang na nagkasabay kami”, paliwanag ko sa kanya.
 “Walang hiya ka!”
 “Manloloko!” pasigaw na sumbat niya sa akin.
  “Mapapalampas ko pa ang paghahawak niyo ng kamay eh, pero ‘yung halikan ka niya sa labi at ginantihan mo pa siya, sige nga, ano ‘yun nagkataon din lamang?” patuloy niyang sumbat sa akin na pinipigil ang pagtaas ng tinig kasabay ang pagpatak ng kanyang mga luha.
 “Ibang usapan na iyon Migs”, dagdag pa niya.
 “Simula ngayon ay kalimutan muna natin ang isa’t isa at hanapin muna natin ang ating mga sarili”, sabay pahid sa luha.
“Andrea, pag-usapan naman natin ito oh, nagawa ko lang naman iyon para sa ating relasyon”.
 “Ayokong mawala ka sa akin, Andrea”.
 “Hindi ko kasi alam ang gagawin ko sa tuwing itatanong sa akin ng mga katrabaho ko kung may nobya na raw ba ako at kung sino”.
 “Kaya iyon lang ang nakita kong paraan para magtigil na sila sa pagtatanong at para na rin hindi tayo pagdudahan”.
“Bata ka pa Migs at alam kong marami pang pwedeng mangyari.”
 “Inihahanda ko na ang aking sarili.
 “Marami ka pang makikilala na kasing edad mo at higit na maganda kaysa sa akin”.
 “Ikaw lang ang gusto ko Andrea”.
“Ikaw lang…..”
“Migs, mag-iingat ka, paalam!”.
Samantalang sa kabilang kwarto ay dinig ko ang pagtatalo sina Mama at Papa siguro dahil na naman sa pera. Wala na raw kaming pera at bangkarute pa ang negosyo ni Papa. Ultimong pambayad ng kuryente ay wala na kami. Nang lumabas si Andrea sa kwarto ay nakita niyang umiiyak si Mama.
“Andrea, hindi ko na alam ang gagawin ko” humihingi ng karamay na wika ni Mama.
“Ano ba ang nangyari?” tanong niya kay Mama.
“Baung-baon na kami sa utang at itong bahay ay nakasangla pa”.
 “Huwag kang mag-alala may kakilala ako na makatutulong sa atin. May kaibigan akong bagong dating galing sa Japan. Tiyak na matutulungan tayo nun. Huwag na kayong mag-alala tungkol sa bagay na iyan”, sabay yakap ni Andrea kay Mamahabang matama akong nakamasid sa kanila. Lubos ang pasasalamat ni Mama kay Andrea.
At hindi nga nagtagal ay nabayaran namin ang mga utang at ang aming bahay ay natubos na rin dahil iyon sa tulong ni Andrea.
Ilang buwan rin ang nagdaan mula nang magkahiwalay kami ni Andrea. Matagal na ring hindi kami nagkikita at sobra ko siyang namimis ang kanyang mga yakap na kay higpit at mga maiinit na halik. Nakipaghiwalay na rin ako kay Brenda dahil iyon lang naman ang naging dahilan ng paghihiwalay namin ni Andrea at gusto kong ayusin ang relasyon namin kapag nagkita kami.
Subalit mula nang nagkaroon kami ng problema sa bahay ay patuloy pa rin ang hindi pagkakaunawaan nina Mama at Papa. Hanggang sa dumating ang punto na umalis si Papa sa bahay, madalang siyang umuwi kesyo hindi na raw siya ang nagsusuot ng pantalon sa bahay. Sobrang nalungkot naman si Mama sa ginawang paglisang iyon ni Papa kaya hayun nagmumukmok sa kanyang kwarto.
Hay, napakalungkot ng buhay ko ngayon. Magkasama sana kami ni Andrea kundi dahil sa kalokohan ko. Balak na rin sana naming ipagtapat ang aming relasyon kina Papa noong araw na kinompronta niya ako kasabay din ng pagtatalo nina Mama at Papa pero hindi namin nagawa. Pawang panghihinayang at pagsisissi ang bumalot sa akin matapos ang mga tagpong iyon. Siguro ay kalooban na rin ng Diyos na mangyari iyon. Siguro ay hindi pa nga tamang panahon. Pero sa ngayon, handa akong gawin ang lahat para bumalik sa akin si Andrea. Wala akong naging ibang pag-ibig kundi siya lamang.
Nabalitaan ko na natapos na raw ang bahay na ipinagagawa nya kaya lakas-loob akong nagtungo sa kanya para makipag-ayos at muling ibalik ang aming pagmamahalan.
Tok…tok…tok… kapagdaka’y nabuksan ang pinto at bumungad sa akin ang napakaganda pa ring si Andrea subalit wala siyang kibo animo’y nagkita ng multo.
“Andrea kumusta ka na?” sabik na tanong ko sa kanya.
“Mi-Migs tuloy ka” pagtanggap niya sa akin.
“Gusto kong humingi ng patawad sa nangyari sa atin”.
“Mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon Andrea at nakasisiguro na ako sa aking sarili na ikaw ang gusto kong makasama habambuhay”.
“Wala akong pakialam sa kung ano ang sasabihin ng iba basta ang mahalaga mahal natin ang isa’t isa”.
“Wala nang makahahadlang pa kahit sino”.
 Walang tugon si Andrea, nakatungo at humihikbi.
“Sabihin mo sa akin Andrea, mahal mo pa ba ako”, seryoso kong tanong sa kanya.
“Mahal kita Migs alam mo yan”, sagot niya.
“Iyon naman pala eh, magpakasal na tayo!” alok ko sa kanya.
“Hindi ganoon kadali ang lahat Migs”.
“Bakit?”
“Anong problema?” pag-uusisa ko.
 Saglit na natigilan si Andrea sa seryoso kong katungan.
“Nagkatagpo kami ng isa kong kaibigan sa may park habang ako’y namamasyal kasama ang alaga kong si Chubby at nakita ko siyang umiiyak. Sinabi niya ang kanyang problema. Matama akong nakinig. Inilabas niya lahat ang sama ng loob na kanyang dinadala. Nagkayayaan sa bar at nagkainuman para malimutan ang mga problema a...at…at…nauumid ang dila ni Andrea.
“At ano Andrea?”
“May nangyari sa amin…”, nakatungo at nahihiyang sabi ni Andrea.
“Sorry, Migs”!
Saglit akong natigilan pero nanaig pa rin ang pamamahal ko sa kanya.
“Okey lang iyon sa akin Andrea”.
“Hindi mahalaga kung hindi ako ang nakauna sa’yo ang mahalaga mahal kita”.
“Migs…patuloy pa rin sa pag-iyak si Andrea.
“Andrea, tanggapin mo ang singsing na ito bilang tanda ng pagmamahal ko sa’yo.
“Migs….” nanginginig na boses ni Andrea.
“Hindi maaari…………buntis ako at ang iyong Papa ang ama. Para akong ipinako sa aking pagkakatayo at nabingi sa aking napakinggan.
Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan namin.
“Handa akong akuin ang batang dinadala mo Andrea ‘wag ka lang mawala sa akin, ituturing ko siyang tunay na anak”.
“Hindi madali, pero nakahanda akong gawin ang lahat para sa’yo”.
Ngunit tinanggihan iyon ni Andrea dahil ayaw niyang maging unfair sa akin. Mahal niya ako kung pagmamahal ang pag-uusapan subalit ayaw niyang ipaako ang responsibilidad na hindi naman talaga sa akin. Iyon ang isa sa mga katangian ni Andrea na gusto ko.
Pagdating ko sa bahay kaagad kong kinausap ang aking ama.
“Kaya pala nanlalamig ka kay Mama dahil may iba kang kinakalantari?!”
“Alam ko na ang lahat Papa!”
“Pero bakit si Andrea pa? bakit siya pa na babaeng mahal ko?” sunud-sunod kong tanong sa aking ama.
 “Hi…hi…Hindi ko alam Migs”.sagot niya.
“Ngayon alam mo na kaya nakikiusap ako sa’yo na tigilan at layuan mo na si Andrea”, umiiyak na nagsusumamo kong pakiusap sa kanya.
 “Siya lang ang nagparamdam sa akin na mahalaga ako”, ang wika ng ama.
“Sa tinagal-tagal naming nagsama ng iyong Mama hindi ko naramdaman ang pagiging padre de pamilya, dagdag pa nito. Pinakikinggan niya ako”.
“Ano bang gusto mo Papa, suntukan na lang tayo”.
 “Sige, Papa sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para kay Andrea, kahit pa kalabanin ang sarili kong ama”.
 “Migs, marami ka pang makikilalang babae, iyong mas karapat-dapat sa pagmamahal mo, hindi lang siya ang babae sa mundo” payo ng aking ama.
“S’ya ang gusto kong makasama habambuhay, siya lang!”
Sobrang emosyon ang nailabas ko at iyon ang totoo kong nararamdaman. Ilang sandal pa ay humingi ng tawad sa akin ang aking ama, siguro’y naiintindihan niya ang pakiramdam ng nagmamahal. Niyakap niya ako nang mahigpit at ibinulong sa akin. “Kung alam ko lang sana anak, di sana…..”, “ok lang iyon Papa ang mahalaga alam mo na ang totoo” pagputol ko sa kanyang sasabihin.
 At napagdesisyunan din namin na huwag na lamang ipaalam kay Mama dahil baka makasama pa sa kanya, may sakit sya sa puso. Baka atakihin pa iyon ‘pag nalaman.
Samantala patuloy pa rin ang aking panunuyo kay Andrea sa kabila ng mga nangyari. Hindi pa rin nagbago ang pagmamahal ko sa kanya. Hanggang sa isang araw nabalitaan ko sa kanyang kasambahay na naospital daw pala siya isang buwan na ang nakararaan. Kaagad kong dinalaw si Andrea upang kumustahin. Nalaman kong nalaglag pala ang batang kanyang dinadala dahil mahina daw ang kapit sabi ng doktor gayundin ay sensitibo raw ang kanyang naging pagbubuntis.
Nagkausap kami nang matagal at nagkakwentuhan. Sa pagkakataong iyon ay muling nagtama ang aming paningin at bumilis ang tibok ng aking diddib. Para akong nananaginip ng mga sandaling iyon, kausap ko at kasama ang babaeng pinakamamahal ko. Ayaw ko nang magising pa pagkat nadarama’y ligaya. Sinamantala ko na ang pagkakataong yaon, dinukot ko ang isang kahon sa aking bulsa at muli kong hiningi ang kanyang kamay. Walang paglagyan ang kagalakang nadama ko ng mga sandaling iyon sapagkat kami ay malaya na. Tinanggap niya ang alok kung kasal. Hinalkan ko ang kanyang mga labi ng buong pagmamahal sa nagyakap kami na may ngiti sa mga labi. At sa darating na Hunyo ang pinakahihintay kong sandali ang maging akin na talaga siya.
 Malayo man ang agwat ng aming edad hindi iyon magiging hadlang sa aming pagmamahalan. Ang mahalaga mahal namin ang isa’t isa.
 Hindi importante ang nakaraan kung ikaw ay totoong nagmamahal.

1 komento:

  1. Borgata Hotel Casino & Spa - Mapyro
    Borgata Hotel Casino & 경상남도 출장안마 Spa, Atlantic City, NJ 08401. Phone: 안동 출장안마 1-800-GAMBLER. 원주 출장마사지 The 수원 출장마사지 casino floor consists of over 양주 출장샵 8,000 slot machines, video poker, video poker and

    TumugonBurahin